Lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong 'Ester' na pinaiigting pa rin ang southwest monsoon o habagat na magpapaulan naman sa ilang bahagi ng bansa.
Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang palayo na ng Pilipinas ang bagyo sa Linggo ng umaga, Hulyo 31.
Huling namataan ang sama ng panahon sa 550 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes at kumikilos sa bahagi ng Philippine Sea sa silangan ng hilagang Luzon.
Taglay nito ang hanging 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.
Kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Sinabi pa ng PAGASA na asahan na ang pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Zambales, Bataan, Antique at Aklan sa susunod na 24 oras.