Nag-fangirl muli si “Unkabogable Star” Vice Ganda sa galing ni Klarisse De Guzman dahilan para walang patumpik-tumpik na operan na ito ng solo concert.

Habang nagkokomento sa isang “Tawag ng Tanghalan” contestant ay humirit muli si Meme Vice ng isang pangmalakasang sample kay Klarisse sa classic na kantang “How Am I Supposed To Live Without You” ni Michael Bolton.

“Napakagaling talaga kumanta. Kaya ako I am looking forward to that day na mapapanuod ko ‘to sa concert, ‘yong solo concert mo,” agad na komento ni Meme sa paandar ni Klang.

“Syempre mag-gi-guest ka,” hirit ng singer at hurado.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Oo mag-gi-guest [ako], gusto mo nga i-produce ko pa yang concert mo,” walang ano-anong alok ni Meme.

“Gusto mo bang mag-concert? I will produce your concert. You deserve it. At saka gusto talaga kita mapanuod ng full-length concert na solo mo,” sey ni Vice habang abot-abot ang pasasalamat ni Klang.

“Deserve ng mundo, ng Pilipinas na marinig ka. Kasi feeling ko you’re one of the best singers in the country pero underrated,” pagpapatuloy ni Vice.

Sunod na biniro ni Klarisse si Vice na gagawin niyang opening sa concert ang kantang “Boom Kara-Karaka” ng komedyante.

“Pag-usapan natin. Mag-produce tayo ng concert ni Klarisse. Gawa tayo ng ‘Showtime’s Presents Klarisse.”

“Sige, gusto ko ‘yan," saad lang ni Klarisse habang inimbita na rin ang kapwa hurado na si Ogie Alcasid at Nyoy Volante.

“Thank you meme. I’m so touched dahil nanggagaling sa’yo,” muling pasasalamat ni Klang kay Meme,

Si Klang ay first runner-up ng unang season ng The Voice Philippines noong 2013.

Noong 2021, siya ang itinanghal na champion ng ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar.”