Aminado ang direktor ng “Katips” na si Vince Tanada na halos hindi na siya makasingit sa mga sinehan para ipalabas ang kaniyang materyal sa Agosto 3, paniniwalang dahil aniya nauna nang makapagpareserba ang “Maid in Malacañang” sa parehong araw.

Matatandaang binanggit ni Tanada sa kamakailang press conference na intensyunal ang pagbangga ng ‘Katips’ sa pinag-uusapang materyal ni Darryl Yap, bilang paghamon sa naratibo ukol sa Martial Law noong 1970’s.

Hindi lang sa kuwento nagtatalo ang dalawang panig gayunpaman.

Sa isang Facebook update, Biyernes, inamin ni Tanada na hinihikayat pa niya ang ilang malalaking mall para maipalabas ang ‘Katips.’

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Katatapos lang ng miting natin with SM. Suwerte naman nakuha natin lahat ng SM Cinema para sa ‘Katips’ sa iba’t ibang lugar. Kaya lang mamaya may miting pa ako with Robinsons and Ayala. Alam [niyo], nakuha na ‘yung sine ng kabila. Wala na natira sa atin. Di ‘ko alam kung politiko ‘to pero sisikapin ko na mas marami pa tayong sinehan na makuha para mas malapit sa inyo at mas maraming makapanuod ng ‘Katips,’” saad ni Tanada.

Aniya pa, mag-isa niyang iginagapang na maipalabas ang materyal sa mas maraming manunuod.

Basahin: Pelikulang ‘Katips’ tatapatan ang showing ng ‘Maid in Malacañang’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Nandito tayo, para tayong bumangga ng pader. Ang galing nila, ang higpit ng galing talaga nila sa politika pero hangga’t may naniniwala sa katotohanan hindi tayo susuko. Magkita-kita tayo sa August 3 para sa Katips,” paninindigan naman ng direktor.

Ang “Katips” ay isang critically-acclaimed musical film na nagtatampok sa buhay ng mga estudyanteng aktibista noong panahon ng Martial Law sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.