Viral ngayon ang Facebook post ng isang Sangguniang Kabataan (SK) Council sa Sumilao, Bukidnon para sa kanilang makabuluhang mga inisyatiba sa pagdiriwang ng “Linggo ng Kabataan” ngayong taon.

Sa ilalim ng Republic Act of 10742 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, ipagdiriwang ang aktibidad sa bawat barangay, munisipyo, bayan at lalawigan.

Hinangaan ng netizens ang mga nilatag na inisyatiba ng SK Poblacion Sumilao, Bukidnon na anila’y “bago” sa tradisyunal na mga programa ng konseho.

Kabilang kasi sa kanilang mga programa ang research proposal competition, professional development seminar, at beads-making seminar workshop.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kasama rin sa listahan ang ilang napapanahong paksa para sa ilang talakayan gaya ng Polycystic Ovarian Syndrome Awareness, at HIV/AIDS Awareness.

Hindi rin nawala ang paboritong talent program ng konseho para sa mga kabataan.

Dahil dito, agad na nag-viral sa Facebook ang naturang post at inulan ng papuri mula sa netizens.

“The lined up activities are endeavors truly inspiring. SK Poblacion Sumilao is a breath of fresh air which elate us knowing there are new breed of youngsters out there ready to take the challenge in nation-building - making efficient and judicious use of their mandate worthy of emulation. Our future is secured with young leaders with this kind of mindset - a genuine❤️for public service. Bravo SK Poblacion Sumilao Bukidnon!👍👏🙏” saad ng isang netizen.

“May your programs and activities would be a role model for the other SK Councils all over the Philippines! This is very youth empowering and nakikita natin na hindi masasayang ang lahat. Kudos on u, Sumilao SK Council!” segunda ng isa pa.

“This initiative is commendable, my salute to all the people making this possible👏👏. I hope other barangays or municipalities will follow this kind of activities.”

“Nice initiative. Di yung puro na lang paliga at beauty contest. Keep up the good work!”

“Napaka husay po! Tularan hindi lamang mga pang isports ang pwedeng maging activity sa linggo ng kabataan, hoping na maisip din ng iba ang galing po talaga!”

“These activities should be implemented in all SK councils. Good job to the Sk officials of Poblacion Sumilao Bukidnon!🎉

“This is what our country needs for the Youth😍Kudos to SK Poblacion Sumilao Bukidnon👏🏼👏🏼👏🏼Bravooooo!”

“Salute to this SK! I love and appreciate your line-up of activities for the youth. There are so many skills that youth's of today that should be prioritized. This is a start. Kudos!”

Kasalukuyang umani na sa mahigit 15,000 reactions ang naturang post sa pag-uulat.