Nanawagan ang isang kongresista na dapat nang magpatupad ang pamahalaan ng price freeze sa pangunahing bilihin sa mga lugar sa Luzon na tinamaan ng 7.0-magnitude na lindol nitong Miyerkules ng umaga.

Tinukoy ni Pinuno Party-list Rep. Howard Guintu ang probisyon ng batas para sa katulad na mekanismo sa panahon ng kalamidad.

“Nakasaad sa ating Price Act o Republic Act (RA) 7581 na ang presyo ng nga pangunahing bilihin o basic necessities ay mafi-freeze sa prevailing rate o kasulukuyang presyo sa loob ng maximum na 60 na araw sa mga lugar na idineklarang disaster area o nasa ilalim ng state of calamity o emergency,” ayon sa pahayag ng kongresista.

“Siguruhin sana ng Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya ng gobyerno na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa Abra at ipa bang lugar na tinamaan ng lindol sa norte at bantayan nila na walang mga magsasamantala sa trahedyang ito," banggit nito.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Kabilang sa pinakikilos ng mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH).

“Magtulungan po sana tayo na maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan sa norte na tinamaan ng lindol. Kung kinailangan ay i-tap natin ang ating pulisya upang tumulong sa pagbantay ng price freeze,” giit pa nito.

Ellson Quismorio