SOLANO, Nueva Vizcaya -- Viral ang isang post sa social media ng isang konsumer na may mahigit P6.7 million bill sa kanyang kuryente nitong Biyernes dahilan para mabatikos ang panig ng electric cooperative.
Nawindang na lang ang isang konsumer ng barangay San Juan Solano, Nueva Vizcaya nang matanggap ang kanyang singil sa kuryente na umabot sa P6 milyon.
Sinabi ng mga residente rito na marami ang umaasa sa mataas na singil ng kuryente ngunit hindi nila akalain na ang isang konsumer na nagbabayad ng higit sa P1000 ay aabot sa milyon-milyong piso.
"Ang pagtaas ng mga rate ng kuryente ay hindi na kaya pang indahan at masyadong mabigat sa aming bulsa tapos mayroon pa ring ganitong mga paniningil," saloobin ng isang residente sa Balita.
Ang konsumer na umabot sa P6 milyon ang bill ay agad na nagtungo sa Nuvelco para ipatanong ang kanyang billing.
Ang concern ay agad na tinugunan ng pamunuan ng kooperatiba.
Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang Nueva Vizcaya Electric Cooperative( Nuvelco ) sa Gabut, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya:
“The management of Nueva Vizcaya Electric Cooperative issued this official statement in response to the recent post of a consumer regarding a bill amounting to P6,704,552.13.
This is one of the isolated cases of erroneous reading committed by our meter reader. The meter reader mistakenly included the Previous Reading as part of the Present Reading causing the system to calculate it incorrectly. The previous reading is 401 and the present reading should have been 467 but it was erroneously inputted as 401467. Nevertheless, appropriate actions have been undertaken to correct the mistake.”
Sinabi ng koop na inaako nila ang responsibilidad na tiyakin na ang mga naaangkop na halaga ay sisingilin sa mga konsumer.