Nagpatawag ng special meeting si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang talakayin sa mga miyembro ng Gabinete nito ang national budget para sa 2023, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Biyernes.

Sa panayam kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, dakong 9:00 ng umaga nang simulan ang pagpupulong na dinaluhan din ni chief legal counsel Juan Ponce Enrile.

Gayunman, wala pang isinasapublikongdetalye hinggil sa pagpupulong.

Nauna nang sinabi ni Senate committee on finance chairman Sonny Angara, pagtutuunan ng pansin ni Marcos ang paggastos dahil pinaplanong taasan ng apat na porsyento ang budget para sa susunod na taon.

Nangako naman ang mga mambabatas na maipapasa nila ang P5 trilyong budget ng gobyerno bago matapos ang 2022.

Kamakailan, inihayag ngDepartment of Budget and Management (DBM)na plano nilang tapusin ang trabahong may kinalaman sa 2023 budget at isusumite sa Kongreso sa susunod na buwan.

Kabilang lamang sa inaasahang makatatanggapng malaking pondo ang Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Health, at Department of Agriculture, ayon sa DBM.