BAUKO, Mt. Province – Naitala sa rehiyon ng Cordillera ang unang namatay dulot ng posibleng epekto ng magnitude-7 na lindol matapos matabunan ng gumuhong bundok ang isang 59-anyos na lalaki nitong Huwebes, Hulyo 28 sa Sitio Boga, Monamon Sur, Bauko.
Ayon sa ulat ng Mt. Province Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO), ang biktima ay kinilalang si Andres Sagayo, 59, ng Sitio Pactil Barangay Monamon Sur, Bauko, Mt. Province.
Napag-alaman na ang biktima ay nakipaglamay sa namatay sa katabing Sitio nang matabunan ito ng gumuhong bahagi ng bundok dakong alas 10:00 ng umaga.
Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga residente at naiahon mula sa gumuhong lupa ang biktima dakong alas 11:30 ng umaga at agad na isinugod sa Lutheran Hospital sa Abatan, Buguias, Benguet, subalit idineklara itong dead on arrival.
Ayon sa PDRRMO, bagama’t naganap ang malakas na lindol noong Miyerkules ay posibleng may kinalaman ang pagkamatay ng biktima sa epekto ng lindol, dahil malaki ang posibilidad na ang pagguho ng lupa ay dulot sa paglambot ng lupa dahil sa lindol at mga aftershock.
Iniulat din na may kabuuang 699 na pamilya, 3,126 na indibidwal ang apektado ng lindol sa lalawigan, na ang pinakamarami ay sa bayan ng Bontoc na may 314na pamilya o1,822indibidwalat sumunod ang Bauko may 208pamilyao 852indibidwal, na ngayon ay patuloy na minomonitor at sinusuplayan ng mga family food packs ng Department of Social Welfare and Development-Cordillera.
Nanawagan naman si Provincial Administrator Franklin Odsey sa mga residentena manatiling mapagbantay at maagaphabang patuloy pang nararamdaman ang aftershocks at pag-ulan na nagdudulot ng paglambot ng kabundukan.
Pinayuhan din ang mga naninirahan na malapit landslide prone areas na pansamantalang lisanin ang lugar upang malayo sa anumang insidente ng landslides.