Isang hindi pinangalanang network ang nag-offer ng musical show para kay “Fearless Diva” Jona Viray. Intriga tuloy ng ilan, magbabalik na nga ba muli ang kauna-unahang "Pinoy Pop Superstar" champ sa Kapuso Network?

Sa isang ">media conference ni Jona kamakailan, diretsang natanong ang singer ukol sa estado ng kaniyang karera sa Kapamilya Network, matapos ilang linggo nang hindi napapanuod sa Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To.

“I’m still a Kapamilya, and a Kapatid, kasi obviously, lumalabas naman ako sa TV5,” agad na sabi ni Jona.

“I’m very happy about the news na ‘yong mga programs ng ABS-CBN, pinalalabas na rin sa TV5, so nagmi-merge na rin talaga. Parang nawawala ang boundaries. Doon ako natutuwa,” dagdag ng singer.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Aminado naman si Jona na isa na siyang freelance artist sa ilalim ng kaniyang long-time manager na si Arlene Meyer.

“Right now ang standing ko, freelance ako. I can appear in any show kung may kumukuha sa akin. Binalita ng mommager ko na sa other network, merong nag-iinquire for me to be the host of a musical show,” pagbabahagi ni Jona.

Dagdag niya, isang magandang oportunidad ito para sa mga manggagawa sa showbiz industry. “Nawawala na yong boundary, nwawawala na yong pressure of being stuck because of network wars.”

Nilinaw naman ni Jona na nanatili siyang nakapokus sa kaniyang mga proyekto sa TV5 sa ngayon.

“Right now, I’m focusing on 'Sing Galing' regular edition, and 'Sing Galing Kids,'” habang sinabi naman ni Jona na inaasahan niyang makabalik sa ASAP bago magtapos ang taon.

“We’re working now with upcoming music releases under Star Music, so ‘wag kayo mag-alala,” dagdag niya pang update.

Naintriga naman ang ilang miyembro ng press ukol sa offer ng hindi pinangalanang network, kaya ang tanong nila ngayon -- GMA nga ba ito?

Si Jona ang kauna-unahang "Pinoy Pop Superstar" grand winner noong 2005. Matapos ang isang dekada, ay nag-ober-da-bakod ang singer sa Kapamilya Network noong 2016.

Bagaman nais muna na manatiling secret ang offer ay kinuryente naman agad ng singer ang posibilidad na sa GMA nanggaling ang offer.

Habang freelancer ay nai-enjoy din daw sa ngayon ni Jona ang mas malawak na horizon dahil sa unti-unting pagkawala ng network wars.

Sa katunayan, nag-inquire rin umano kamakailan sa manager ni Jona ang longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

“Nag-inquire daw ang Eat Bulaga if I can join them doon sa out of town show nila,” ani Jona na hindi niya napagbigyan dahil sa pagiging abala niya sa "Sing Galing."

Sa huli, nanawagan si Jona sa lahat na maging bukas sa ideya na malaya ang mga artista na lumalabas sa iba’t ibang network.