BONTOC, Mt.Province – Dalawa ang sugatan habang 11 ang nakaligtas nang mabagsakan ng malaking tipak na bato ang kanilang sinasakyang jeep noong gabi ng Hulyo 28 sa Sitio Makutiti, Poblacion, Sadanga. Mt.Province.

Napag-alaman na ang nasabing pampasaherong jeep na may lulan na 13 pasahero ay nag-last trip dakong alas 6:00 ng gabi mula sa bayan ng Bontoc patungo sa karatig-bayan ng Sadanga.

Habang binabagtas ng sasakyan ang Makutiti Road section ay nahulugan ng malaking tipak ng bato ang unahang bahagi ng sasakyan.

Agad na nag-responde ang mga tauhan ng 2nd Company ng Mt.Province Provincial Mobile Force Company at Sadanga Municipal Police Station na at maingat na kinuha ang mga sugatang biktima at agad na dinala sa Sadanga Municipal Health Station para sa pangunang lunas.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Ang driver na kinilalang si Rogel Peningeo, 39, tubong Sabangan, Mt.Province at naninirahan sa Poblacion, Sadanga ay nagtamo ng minor injuries at ngayon ay nasa stable na kondisyon.

Ang katabing babaeng pasahero sa unahan ay kinilalang si Shirley Guinoban, 42, at residente ng Poblacion, Sadanga, ay isinugod sa Bontoc General Hospital para agarang magamot ang grabeng pinsala nito.

Muli umapela si Governor Bonifacio Lacwasan Jr. sa publiko na ipagpaliban o iwasan muna ang anumang paglalakbay habang ang mga dalisdis at kalsada ay hindi matatag dahil sa mga aftershocks ng lindol at panahon ng tag-ulan.