QUEZON -- Dead-on-the- spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala ang isang dating punong barangay, matapos itong pasukin ng hindi nakilalang salarain sa loob ng ipinapagawang karinderya sa barangay Pahinga Norte, Biyernes ng hapon sa bayan ng Candelaria.

Sa ulat ng pulisya ang biktima ay si Eduardo De Chavez Raymundo, 63, negosyante at dating Barangay Chairman ng Pahinga Norte.

Dakong ala-1:30 ng hapon ang biktima ay nagngangasiwa sa konstruksyun ng  arinderya sa Buncayao Subdivision nang pasukin at barilin ng ilang ulit ng suspek.

Apat ang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima, samantalang agad tumakas ang suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi pa masabe sa paunang ulat ng pulis kung ilan ang suspek pati na rin kung anung uri ng sasakyan ang ginamit sa pagtakas.

Nakuha sa lugar ng krimen ang apat na basyo ng hindi pa natukoy na kalibreng baril at dalawang tingga.

Nagsasagawa ng pagsisiyasat ang Candelaria PNP upang mabatid ang motibo at pagkakilalan sa salarin.