Pinag-iingat ng Department of Tourism (DOT) ang mga turistang nais mamasyal sa mga lugar na tinamaan ng malakas na pagyanig sa Abra at Ilocos Norte noong Miyerkules ng umaga.

Kasunod na rin ito nang pagbubukas nitong Huwebes ng ilan sa mga lugar na pasyalan ng mga turista sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Kabilang sa mga pasyalan sa Region 1 na unang naiulat na nagkaroon ng pagkasira ay ang Sta. Monica Church sa Sarrat, Ilocos Norte, lumang kumbento ng Bacarra, ang simbahan ng Virgin Milagrosa o St. John the Baptist Church sa Badoc, gayundin ang Immaculate Conception Church sa Batac sa nabanggit ding lalawigan.

Nananatiling bukas naman sa turista ang Baguio, Kabayan sa Benguet, at Mount Pulag Protected Landscape bagama't ipinapaalala ang mga pag-iingat dahil sa panganib ng aftershocks at pag-ulan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasama rin sa mga binuksan na ay mga pasyalan sa Sagada, Mountain Province.

Ang sarado lamang hanggang Huwebes sa Sagada ay ang Cave Connection, Sumaguing, Balangagan at Pongas Falls.