Makalipas ang limang araw matapos ang pamamaril noong Linggo, dead on the spot ang ama ni Chao Tiao Yumol, suspek sa Ateneo shooting, nang barilin umano sa harap ng bahay nito sa Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Police Col. TadzhaelManagola, Lamitan police officer-in-charge, ang biktima na si Roland "Bobong" Yumol, 69, retired member ng Philippine Constabulary.

Ayon sa pulisya, binaril si Bobong sa labas ng bahay nito ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo dakong 6:55 ng umaga, Biyernes.

Nagtamo ng apat na tama ng baril ang biktima at agad dinala saLamitan District Hospitalngunit idineklara itong dead on arrival ng kaniyang attending physician na si Dr. Alfonso L. Bravo.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Habang isinusulat ito, kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang pagpatay.

"Sa ngayon under investigation pa ang kaso. Ongoing pa, naghahanap kami ng impormasyon at kung sino ang makapagbibigay ng impormasyon sa amin," ani Managola.

Samantala, nakita sa pinangyarihan ng insidente ang .45 caliber pistol.

Noong Linggo, Hulyo 24, naganap ang pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University na ikinasawi ng tatlong tao.

Nasawi sa insidente si dating Lamitan, BalisanMayor Rose Furigay at ang kaniyang long-time aide at isang security guard ng unibersidad.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) director Police Brigadier General Remus Medinaang suspek na si Chao-Tiao Yumol, isang doktor at taga-Lamitan, City Basilan.

Sa ambush interview ni Yumol, kasunod ng kaniyang pagkakahuli, sinabi niya na matagal na raw siyang humihingi ng tulong sa gobyerno dahil laganap ang ilegal na droga sa Basilan. Tatlong beses na rin umano siyang inambush ng pamilyang Furigay.

“Matagal na po akong humihingi ng tulong sa gobyerno para imbestigahan yung droga sa amin, sa Basilan. Kasi grabe po talaga ang kondisyon sa amin mga 13 years old nag-aadik. Itong mag-asawang Furigay sila ang drug lord sa Basilan. Kakampi nila yung mga drug [lord] sa amin. Tatlong beses akong pina-ambushng pamilyang ‘to. Pumunta kayo sa social media ko makikita niyo ilang beses akong humingi ng tulong kasi pinapa-ambush nila ako,” aniya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/24/suspek-sa-pagpatay-sa-dating-lamitan-mayor-3-beses-akong-pina-ambush-ng-pamilyang-ito/