Camp Gen. Vicente Lim, Calamba City -- Arestado ang tatlong suspek na umano'y sangkot sa gunrunning at gun-for-hire sa Brgy. Anastacia, Tiaong, Quezon nitong Huwebes sa pagtutulungan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Calabarzon at lokal na pulisya.

Armado ng search warrant sa paglabag sa R.A.10591 na ipinalabas ni Judge Dennis Galahad C. Orendain, executive judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region sa Lucena City, Quezon, inaresto ang mga suspek na sina Ritzelda Herrera, 50; John Gilbert Herrera, 30; at Von Vincent Herrera, 22.

Samantala ang pakay ng aresto na si Vicente Allermo Herrera, 52, ay hindi inabutan ng mga pulis.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong hand grenades, tatlong 12-gauge Shotguns, isang US carbine, isang kalibre .9mm pistola, tatlong  kalibre .45 pistola, isang kalibre .22 Magnum revolver, limang kalibre .38 revolver, isang kalibre .45 kalibre thompson sub-machine gun at mga sari-saring mga bala. 

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay miyembro ng Manalo-Briones Group na sangkot sa gun-for-hire at gunrunning na kumikilos sa Calabarzon region.

Kasong kriminal na paglabag sa R.A. 10591 at R.A. 9516 ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek kabilang si Herrera.