Nakumbinsi na ring maglaro sa Korean Basketball League (KBL) si Colegio de San Juan de Letranstar Rhenz Abando.

Pumirma na si Abando ng kontrata sa Anyang KGC (Korea Ginseng Corporation), ayon na rin sa pahayag nabanggit na koponan nitong Huwebes.

"Looking forward to the performance of the newly joined player, Rhenz Abando. Thank you so much for your welcome and support!" ayon sa koponan.

Nasa ikalawang puwesto lamang ang Anyang KGC sa 2021-22 KBL season.Nakuha ni Abando ang atensyon ng mga Korean scouts matapos maglaro ang Gilas Pilipinas sa 2022 KB Kookmin Bank Invitational nitong nakaraang buwan kung saan ipinamalas nito ang kanyang solidong laro sa kabila ng pagkatalo nila sa Korean team, 106-102.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa naging hakbang ni Abando, hindi na ito sa makikita sa NCAA tournament dahil hindi na niya tatapusin ang isa pang taong paglalaro sa Letran.

Ikaanim na si Abando sa Pinoy na maglalaro sa KBL. Nauna nang sumabak sa liga sinaSJ Belangel, RJ Abarrientos, Justin Gutang, Will Navarro, at Ethan Alvano.

Si Abando na dating manlalaro ng UST Growling Tigers, ay kabilang sa manlalaro ng Gilas Pilipinas sa 3rd window ng2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, gayundin sa 2022 FIBA Asia Cup.