Dalawang pelikula patungkol sa kasaysayan ang magkakabanggan sa mga sinehan, sa darating na Agosto 3; ito ay ang "Katips" na pelikula ng Palanca awardee na si Vince Tañada at "Maid in Malacañang" ni Darryl Yap.

Ayon sa naging panayam sa direktor ng Katips na si Tañada, sinadya nilang tapatan ang MIM ni Yap. Isa umano siyang biktima ng Martial Law.

"Nilabanan ko talaga yung Maid in Malacañang," saad ni Tañada sa isinagawang press conference. China-challenge ako… china-challenge tayo ng Maid in Malacañang, kaya nag-react nang ganoon si Direk Joel (Lamangan). Sabi ni Direk Joel, gagawa siya ng mga pelikula, eh ito nagawa na namin."

Noong 2021 pa pala nagawa ang pelikulang "Katips" na kasama sa mga nominado sa prestihiyosong FAMAS. Ngayon na raw ang oras upang ipalabas na ito sa mga sinehan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Sabi ko, now is the time… kasi this is about the truth… and nobody can invalidate me, my personal experience as a victim of Martial Law.

Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula umano sa mga tagasuporta ng pamilya Marcos ang kaniyang mga naging pahayag.

"Ang daming bashers kung na-experience ko raw ang Martial Law when I was born in 1974, eh di sanggol daw ako noong nakulong. Hindi lang naman po dapat makulong para ma-experience mo ang horrors of ML. I was a child when my grandfather was incarcerated."

"Masakit po bilang bata ang maranasan ito lalo't alam mong nakipaglaban lang si Senador Lorenzo Tañada para sa katotohanan. Paki-research na lang po ang buhay n'ya. #KATIPS," ayon sa award-winning director-writer.