Nasa 7,691 na pamilya o 36,972 indibidwal ang apektado ng 7.0-magnitude na pagyanigCordillera region.

Sa talaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Cordillera Administrative Region (CAR),

mula sa 21 active evacuation center ay 984 pamilya o 3,405 ang nananatili sa evacuationcenter.

Ayon sa DSWD, karamihang apektado ay mula sa Abra na sentro ng lindol nitong Hulyo 27.

Patuloy naman ang isinasagawang family food packs operation ng ahensya sa mga apektadong pamilya sa rehiyon.

Naitala rin ang 16 na landslides, dalawang rockfall incidents, isang collapsed rip-rap, tatlong falling incidents at dalawa ang gumuhong istraktura.

Sa ulat naman ng Department of Tourism-Cordillera, mayroong mga napinsala rin sa mga tourist destination, kabilang na ang Sta. Catalina de Alexandria Church na mahigit na sa 19 siglo at idineklara ng National Museum of the Philippines bilang National Cultural Treasure.

Matatandaang lima ang namatay sa mapaminsalang pagyanig sa ilang parte ng Luzon nitong Miyerkulesng umaga.