Muling ibinida ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ipinamahagi niyang Emergency Go-Bag noong nakaraang taon sa mga estudyante at guro sa Maynila bilang paghahanda sa anumang sakuna.
Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Hulyo 28, ibinahagi niya ang ilang mga larawan ng nilalaman ng Emergency Go-Bag.
"Bilang paghahanda sa anumang sakuna, namahagi po tayo noong nakaraang taon ng Emergency Go-Bags sa mga estudyante at guro sa ating lungsod," ani Domagoso.
"Ito ay naglalaman ng mga first aid equipment at iba pang kagamitan na makakatutulong sa ating mga kababayan sa panahon ng pangangailangan," dagdag pa niya.
Ang bawat Emergency Go-Bag ay naglalaman ng "sheer bandages, antibiotic ointments, burn creams, emergency thermal blanket, emergency thermal sleeping bag, emergency water and food bars, rope, emergency solar radio, hand crank flashlight at marami pang iba."
"Sa oras ng kalamidad o sakuna, mabuti na ang laging handa! Nawa'y makatulong po ito sa lahat," saad ni Domagoso.
Matatandaan na niyanig ng 7.3-magnitude na lindol ang Lagangilang, Abra nitong Miyerkules ng umaga. Naramdaman din ang pagyanig sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/07/27/walang-banta-ng-tsunami-kasunod-ng-7-3-magnitude-na-lindol-phivolcs/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/27/walang-banta-ng-tsunami-kasunod-ng-7-3-magnitude-na-lindol-phivolcs/