Inalmahan ng Department of Health (DOH) ang batikos ni dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion kaugnay ng mga nag-expire na coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine.

Depensa niDOH-Technical Advisory Group member,Dr. Anna Lisa Ong-Lim, mali ang pahayag ni Concepcion na late na sa pag-aaprubasa ikalawang booster shots kaya umabot sa P5.1 bilyon ang nasayang dahil sa pagkasira ng mga bakuna.

“Ito bang pag-expire ng mga bakuna dahil ba ‘yan ngayon lang in-approve ang second booster recommendation? I would beg to disagree kasi these are the same vaccines that were available for the first booster and even the primary series," banggit ng opisyal sa isang panayam.

"So, hindi dahil sa ngayon lang in-approve ang second booster kaya nagkaroon tayo ng expired doses kung hindi dahil nagkaroon tayo ng gaps sa pagro-rollout or pagtanggap ng mga tao," anito.

Maaari aniyangmaraming dahilan ng pag-expire ng bakuna na dapat tugunan. Gayunman, hindi dahil nahuli ang rekomendasyon sa second booster.

“I think it’s not very productive to focus on that. I think it’s more productive to identify the gaps that led to why this happened,” aniya.

Sinuportahan naman ni DOH Undersecretary Beverly Lorraine Ho, ang pahayag ni Lim at sinabing mayroong tamang proseso bago aprubahan ang pagtuturok ng bakuna na hindi puwedeng madaliin.

“We want to assure the public that there’s a process for making sure that the entire program uses vaccines that are safe, we abide by evidence,” pagdidiinnito.

Kamakailan, naglabas ng sama ng loob si Concepcion at sinabing kaya na-expire ang mga bakunang nasa pribadong sektor dahil huli na ang desisyon ng DOH para ipamahagi ito para sa second booster.