Nanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. si La Paz, Abra Mayor Joseph Bernos nitong Huwebes na bigyan sila ng karagdagang ambulansya at firetrucks na magagamit nila sa panahon ng sakuna. 

Bumisita si Pangulong Marcos sa Abra nitong Huwebes, Hulyo 28, upang tingnan ang kalagayan ng probinsya. Sa isang pulong, umapela ang alkalde sa pangulo, aniya, may 16 na fire station ang probinsya ng Abra ngunit mayroon lamang silang apat na firetrucks.

"Yung Bangued nga po, may firetruck na panahon pa po ng tatay niyo na firetruck yun. That was 30 years ago so hinihiling ko po na sana palakasin yung disaster response ng mga LGUs," ani Bernos.

"Balita ko po from the BFP, they have brought 15 brand new firetrucks to Abra now, eh baka puwede po Mr. President iwan na lang po yung iba dito because of all municipalities in Abra, we have 16 fire stations, pero of that 16, apat lang po yung naka-top condition na firetrucks," dagdag pa niya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod sa mga firetrucks, humiling din ng ambulansya ang alkalde. Sinabi niya na ilang beses na rin daw silang humihingi ng ambulansya sa PCSO.

"In relation to that po, yung ambulance po, every now and then, during the previous administrations, I was once a mayor before for three terms, lagi po kaming lumuluhod sa PCSO for ambulance," ani Bernos.

Umaasa ang alkalde na sa ilalim ng administrasyon ni Marcos ay mabilis nilang makukuhaang kanilang mga kahilingan dahil, aniya, Ilocano ang kasalukuyang presidente.

"So this time, siguro naman po open na po lahat yung request namin.May Ilocano President na kami and we delivered 96% of the votes of Abra during the last election so tingin ko kami naman po ang maniningil ngayon," dagdag pa ng alkalde.

Tugon naman ng pangulo,"All your comments are well noted and of course, sige we will look into it. The problem of firetruck and ambulance is worse here in Abra than in other provinces, medyo naiwanan kayo."

Matatandaan na nitong Miyerkules, niyanig ng magnitude 7 na lindol ang hilagang bahagi ng Luzon na kung saan napuruhan ang probinsya ng Abra dahil ito ang epicenter ng lindol.