Nagbigay ng mensahe ng pag-asa si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa lahat, kaugnay ng naganap na malakas na paglindol sa bandang Norte ng bansa, lalo na para sa kaniyang mga kababayang Ilokano.
"Ngayong umaga, sa oras na 8:43, tayo'y nakaranas ng isang lindol na may lakas na magnitude 7.3. Ang mga ulat ng mga ahensiya at ng mga lokal na pamahalan sa mga lugar na napinsala ay patuloy na dumarating sa ating tanggapan," ayon sa pangulo.
"Sa kabila ng nakalulungkot na mga ulat tungkol sa pinsalang dulot ng lindol, ating sinisigurado ang maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang apektado ng sakunang ito."
"Kadagiti kakailiak nangruna ta Abra, agridamtayo ken umasideg kadagiti kameng ti gobyerno no agkasapulan iti tulong. Agmaymaysatayo a bumangon manipud kadaytoy a pannubok," ani PBBM sa wikang Ilokano.
"Mag-ingat po tayong lahat."
Nagsagawa na rin ng press briefing ang Palasyo, sa pangunguna ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles para sa mga kagyat na plano ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng lindol.