Nagbabala ang Korte Suprema na bawal nang gamitin ang kanilang official seal sa mga pribadong sasakyan.

Sa resolusyon ng Supreme Court en banc, hindimaaaringi-display ng mga pribadong sasakyan at non-official court vehicles ang official Seal ng Supreme Court sa kanilang plaka, car sticker o anumang indikasyon na magpapakita na konektado ito sa hudikatura.

Sakop ng pagbabawal ang mga courtesy at security plates ng mga dating opisyal na hindi na konektado sa hudikatura.

Binalaan ng kataas-taasang hukuman ang mga susuway na mapatawan ng indirect contempt bukod sa mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

National

Malacañang, handang makipag-ugnayan sa INTERPOL 'pag naglabas ng red notice kay FPRRD

Iniutos na rin ng SC ang pagbawi sa mga inisyu dati na authorization para i-display ang SC seal.

Napuna ng SC na nagkalat na ang official seal nito na karaniwang ginagamit ng ilang indibidwal para iwas huli sa paglabag sa batas-trapiko.