Paninindigan umano ng news anchor Mike Abe ang kaniyang pagbibitiw sa Sonshine Sonshine Media Network International (SMNI) ni Pastor Apollo Quiboloy, matapos ang kaniyang walk out sa live telecast ng kaniyang programa, matapos silang "magkainitan" hinggil sa kanilang taliwas na opinyon sa naganap na unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/26/smni-news-anchor-mike-abe-nag-walk-out-daw-sa-show-napikon-nga-ba-kay-pastor-quiboloy/">https://balita.net.ph/2022/07/26/smni-news-anchor-mike-abe-nag-walk-out-daw-sa-show-napikon-nga-ba-kay-pastor-quiboloy/

Bagama't hindi na babalik sa SMNI, nilinaw naman ng news anchor na wala siyang sama ng loob sa chairman ng SMNI at mananatili silang magkaibigan, ayon sa isinagawa niyang Facebook Live. 15 taon ang naging serbisyo ni Abe sa naturang network, at ngayon, ibibigay na niya ang oras sa sarili niyang vlog na "Mike Abe Opinions".

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Kaibigan ko ‘yan, 15 years po akong nasa SMNI kaibigan ko ‘yan, ‘noong mga nakaraang araw nagkakatawagan pa kami niyan, kung may kailangan siya sakin tinatawagan niya ako, kapag ako ang may kailangan sa kanya tinatawagan ko siya. Mataas ang respeto ko diyan…” paliwanag ni Mike Abe sa kaniyang followers na nagtatanong sa kaniya.

“Si Pastor Quiboloy, kaibigan ko ‘yan.. mula noon hanggang ngayon itinuturing ko siyang kaibigan. Hindi ako nakikipag-away kahit kanino, kaibigan ko si Pastor Quiboloy, wag kayong magsabi ng kung ano-ano… Itinuturing ko siyang matalik na kaibigan… 'Wag n'yong intrigahin na kami ay magkaaway… trabaho lang ito, walang personalan."

Sa ngayon, hindi na mapapanood sa digital platforms ng SMNI ang naganap na walk out, bagay na hindi na raw kontrolado ni Abe.

Samantala, ibinahagi na rin ni Pastor Quiboloy ang kaniyang panig tungkol sa isyu sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan ng netizen.

Saad ng isang netizen, bakit daw kinontra ni Quiboloy ang opinyon ni Abe sa mismong programa nito.

"Opinyon mo? Eh opinyon ko rin ito. Programa mo 'yan? Eh estasyon ko 'yan," hirit ni Quiboloy. "Nagpo-programa lang siya sa estasyon ko. Kailangan igalang niya muna ako at ang opinyon ko. Kung may opinyon siya na sarili niya, eh huwag niyang salungatin ang chairman niya. Kasi hindi naman pagkakampi-kampi kung kanino itong opinyon ko. Hindi naman ako binabayaran sa opinyon ko."

Bilang chairman ng SMNI, talagang sinusubaybayan daw ni Quiboloy ang lahat ng programa. Kapag alam na niyang mali ang nangyayari, talagang panghihimasukan na niya ito.

"Hindi ninyo puwedeng gamitin ang SMNI para sa sarili ninyong opinyon na hindi na objective! Hindi puwede sa SMNI 'yun.," giit ng pastor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/27/pastor-quiboloy-nagsalita-sa-walk-out-issue-ni-mike-abe-ako-una-niyang-pinahiya-sa-tv/">https://balita.net.ph/2022/07/27/pastor-quiboloy-nagsalita-sa-walk-out-issue-ni-mike-abe-ako-una-niyang-pinahiya-sa-tv/