Umagang-umaga ngayong Miyerkules, Hulyo 27, naramdaman ng halos lahat ng mga taga-Luzon ang pagyanig ng lupa, na dulot ng halos magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra at rehiyong Ilocos na nagpatumba sa ilang mga establisyimiento, nagpabitak sa lupa, at sumira ng ilang heritage sites lalo na sa Vigan, Ilocos Norte.

Kitang-kita sa mga ibinahaging larawan ng mga netizen na naninirahan o namamasyal sa mga nabanggit na lugar, ang pinsalang naidulot ng napakalakas na pagyugyog ng lupa, matapos ang ilang dekada.

Habang sineseryoso ng karamihan ang nangyari, may ilang mga netizen na ginawang biro ang sitwasyon. Isa sa mga 'biktima' nito ang bagong kasal na sina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at Coach Julius Naranjo. Ikinasal ang dalawang weightlifter kahapon, Hulyo 26, sa Baguio City.

Sabi ng mga netizen, kaya raw lumindol ay baka dahil sa honeymoon ng dalawa, lalo't naroon sila sa bandang Norte. Ilang mga Facebook pages ang tila "nanisi" pa sa dalawa dahil ramdam daw ng buong Luzon ang kanilang pulot-gata.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/27/mga-pasaway-na-netizen-sinisi-ang-lindol-sa-bagong-kasal-na-sina-hidilyn-coach-julius/">https://balita.net.ph/2022/07/27/mga-pasaway-na-netizen-sinisi-ang-lindol-sa-bagong-kasal-na-sina-hidilyn-coach-julius/

Bukod sa mag-asawa, kumakalat din sa Twitter ang video clip noon na kuha kay Queen of All Media Kris Aquino nang minsang magkalindol at nasa gitna siya ng isang panayam, noong Abril 2019.

Sa nasabing video clip, binabanggit ni Kris ang kaniyang mga buwis na binabayaran nang bigla siyang mapahinto dahil sa naramdamang pagyanig.

"Yes may lindol… and nawalan ng kuryente, umuwi na tayo," cool at nakangiting sabi ni Kris.

"I want to go home (sabay hawak sa dibdib). My sons… kasi nasa fault line kami. Huy mag-check kayo, tawag sa bahay," utos niya sa kaniyang staff.

"Yes malakas 'yon, and we are in Green Meadows, check! My God, my house… check si Bimb and si Kuya (Joshua)…"

Maya-maya, sinabi ni Kris na nakaramdam siya ng vertigo. Naramdaman pa nila ang ilang aftershocks.

Ilang segundo naman ay bumanat ng biro si Kris.

"It's the end of the world na… I'm telling you… buti na lang binili ko na lahat ng Chanel na gusto ko… (nagtawanan ang mga tao), at least na-experience ko siya. Buwisit, ang laki pa ng tax na binayaran ko…"

https://twitter.com/pauloMDtweets/status/1552094114014846976

Marami sa mga netizen ang nakaka-miss ngayon kay Kris, lalo na ang kaniyang kataklesahan at kakikayan noong wala pa itong sakit ngayon.

"She was so poised and cool…managed to be funny pa. Yan ang breeding."

"Nakaka-miss naman si Ms. Kris!"

"Nakaka-miss pala ganitong moments ni Kris. Praying for renewed strength, may the Lord restore her health and satisfy her with a long and happy life!"

"I suddenly miss her. She's like a bright ray of sunshine on a gloomy day."

"We need more Kris Aquino moments. Lord, wag muna plz! She's a gem."

Nilinaw naman ng uploader ng video sa Twitter na wala siyang intensiyong masama sa kaniyang pagtu-tweet ng video na ito ni Kris, lalo na sa panahon ngayon.

"Hindi ko naman pinagtatawanan si Miss Kris Aquino sa tweet. It's sharing her classic reaction during that earthquake last April 2019," aniya.

Hangad ng mga netizen ang tuluyan na nitong paggaling dahil "Kris Aquino is Kris Aquino!"