Lumobo pa ang healthcare utilization rate (HCUR) ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). 

Ito ay batay sa datos na inilabas ng independent monitoring group na OCTA Research, na ibinahagi naman sa Twitter ni Dr. Guido David nitong Miyerkules, Hulyo 27.

Ayon sa OCTA, hanggang noong Hulyo 25, nakapagtala pa ang NCR ng 35.6% na HCUR. Ito ay pagtaas mula sa 31.7% na naitala noong Hulyo 24.

Sinabi ni David na ang ICU utilization rate sa rehiyon ay bahagya ring tumaas sa 28% mula sa 27.3% noong Hulyo 24.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ani David, ang HCUR sa Muntinlupa (64.6%) at Pasig (56.4%) ay nasa moderate risk na.

Ang iba pang lugar na may 50% pababa na HCUR ay ang Manila (29.7%), Caloocan (33.7%), Las Piñas (40.6%), Makati (49%), Malabon (50%), Mandaluyong (18.9%), Marikina (47%), Navotas (16.7%), Parañaque (19.1%), San Juan (44.6%), Valenzuela (32.5%), Pasay (29%), Quezon City (40.9%), at Taguig (27.2%).

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang bansa ay inaasahang makakaranas ng pagtaas ng hospital utilization rate sa pagtatapos ng Agosto o unang linggo ng Setyembre dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang COVID-19 infections.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na maging maingat at tumalima sa health and safety protocols upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.