Pinuri ng sikat na propesor at historyador na si Xiao Chua ang "Pinoy Big Brother" host at Kakampink na si Bianca Gonzalez nang purihin nito ang unang "State of the Nation Address" ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na naganap nitong Lunes, Hulyo 25, 2022, sa Batasang Pambansa, ngunit naniniwalang accountable pa rin ang pamilya Marcos sa mga isyung kinasasangkutan nito.
"That was a good SONA for PBBM. Here's hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan," saad ni Bianca sa kaniyang tweet, Hulyo 25.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/26/bianca-gonzalez-pinuri-ang-sona-ni-pbbm/">https://balita.net.ph/2022/07/26/bianca-gonzalez-pinuri-ang-sona-ni-pbbm/
"I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan."
Nagkomento naman dito ang sikat na propesor at historyador na si Xiao Chua.
"I stan with @iamsuperbianca. Mabuhay ang sentrismong may paninindigan."
Tumugon naman dito si Bianca, "Maraming salamat Prof. Xiao. Maraming, maraming salamat din for all your work to fight historical distortion."
Niretweet din ni Bianca ang mismong tweet naman ng historyador.
"We will watch but God bless the Philippines and our President. But we will watch. May the government work to fulfill his good agenda."
Nilinaw naman ni Bianca na hindi pa rin siya nagbabago ng kaniyang panig at paninindigan, gaya ng akusa sa kaniya ng ilang mga netizen.
"Hindi ako nag 'change sides' at hindi naiba ang paninindigan ko dahil sa isang speech," aniya sa tweet nitong Hulyo 26.