Sey ng TV host at actress na si Mariel Rodriguez-Padilla na ilang beses na raw nagamit ni Senador Robin Padilla ang suot nitong barong sa pagbubukas ng unang regular na sesyon ng 19th Congress nitong Lunes, Hulyo 25.

"Look at Sen. Robin for today's SONA! his barong we bought in SM years ago (naka ilang repeat performance na yan)," sey ni Mariel sa kaniyang Instagram post.

"As in I told the driver lang punta ka sa SM hanap ka ng barong," dagdag pa niya.

Bukod dito, very proud siya sa kaniyang asawang senador, "But seriously speaking, very proud ako of my husband @robinhoodpadilla for answering the call of public service and what he stands for."

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Personal din siyang sumusuporta kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at sa administrasyon nito.

"I'm also personally showing my support and solidarity for our President and his administration because gusto ko talaga what's best for our country. I hope na despite our differences, we are able to wish the best not just for Robin, but for all of our public servants."

Nauna nang inispluk ni Padilla na binili lamang niya sa isang mall ang kaniyang suot na barong.

 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/25/suot-na-barong-ni-sen-robin-padilla-binili-lamang-sa-isang-mall/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/25/suot-na-barong-ni-sen-robin-padilla-binili-lamang-sa-isang-mall/