Gamit ang pangalan ng YouTube personality na si Kryz Uy at ilang larawan kasama ang anak na si Scottie, isang fake account ang nagbebenta ng toddler products online, bagay na pinabulaanan ng celebrity mom.

Aniya, ilang fans na rin ang nagpaabot ng concerns ukol sa mga tangkang panggagantso gamit ang kaniyang pangalan.

“Using all variations of my name, making new accounts after the original gets reported and deleted,” mababasa sa Instagram story ni Kryz.

Paglilinaw ng mom of two, “I don’t sell anything to my fans and I never pay to boost my posts. Most importantly, ‘wag niyo isama ang anak ko sa scam niyo!!’

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Huminingi na rin ng tulong si Kryz sa Facebook para agad na matanggal ang pekeng account.

Kryz Uy/via Instagram Story

Basahin: Baby Seven Kai nina Kryz at Slater, bininyagan na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang tanging Facebook page ni Kryz ay may blue badge, tanda na verified ito at kasalukuyang mayroong mahigit 769,000 followers.

Verified din ang Instagram account ng celebrity mom na mayroong mahigit 1.08M followers sa pag-uulat.