Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Adamson University sa Maynila, matapos madawit sa isyu ng pagkakatanggal sa posisyon ng isang university head sa isang pamantasan sa China, matapos umanong gumastos ng 180M yuan o katumbas ng US$27M para sa "instant PhD" o doctorate degree ng kaniyang mga ipinadalang guro sa isang pamantasan sa Pilipinas; at matapos maka-graduate, ini-rehire sa kanilang pamantasan upang mapataas ang kanilang school ranking.

Tinukoy na ang naturang pamantasan sa Pilipinas na pinagpadalhan sa mga gurong may "Instant PhD" ay Adamson University, bagay na pinabulaanan naman ng pamunuan nito sa pamamagitan ng kanilang opisyal na pahayag ngayong Hulyo 26.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/26/university-head-sa-china-sinibak-sa-posisyon-dahil-sa-paggasta-ng-us27m-para-sa-instant-phd/">https://balita.net.ph/2022/07/26/university-head-sa-china-sinibak-sa-posisyon-dahil-sa-paggasta-ng-us27m-para-sa-instant-phd/

"In light of recent news, Adamson University strongly denounces the malicious claims perpetrated by certain sectors in Hunan Province, China, on the PhD degress obtained by Shaoyang College faculty members from Adamson University," panimula ng kanilang opisyal na pahayag.

Nilinaw ng pamantasan na sumusunod sila sa polisiya, guidelines at standards na itinakda ng "Commission of Higher Education" o CHED, lalo na sa anim na termino ng residency.

"PhD degrees conferred to Adamson graduates had passed through stringent verification procedures and are awarded in accordance with their successful compliance to institutional and CHED requirements."

Wala umanong official linkage ang Adamson University sa Shaoyang College at sa faculty members nito.

"We are currently reviewing our options in seeking any and all remedies available to us in law or equity to protect the good name and reputation of the school," dagdag pa nila.

No description available.
Larawan mula sa Adamson University