Iniulat ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nitong Martes, na umaabot na sa 3.3 milyon ang mga estudyante na nagpa-enroll para sa School Year (SY) 2022-2023 mula nitong Hulyo 26.

Sa isang press briefing sa Pasay City, sinabi ni Duterte na kasama sa naturang bilang ang mga nagpatala noong Hulyo 25, na siyang unang araw ng pagpapatala sa eskwela.

“I am happy to share with everyone that our enrollment for the first day was 3.3 million already compared to our first day last year, which was at 222,000 only,” ayon pa kay Duterte.

Una nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na mula alas-7:35 lamang ng gabi ng Hulyo 25, ay umaabot na sa 2,808,779 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll para sa susunod na pasukan.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ang enrollment period sa bansa ay pormal nang nagsimula nitong Lunes at nakatakdang magtapos sa Agosto 22, na siyang unang araw naman ng pasukan para sa mga pampublikong paaralan.

Inaasahan naman ng DepEd na aabot sa 28.6 milyon ang mga estudyanteng magpapatala para sa SY 2022-2023.