Matagumpay ang pitong “Iconic” shows nina Megastar Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa North America mula Hulyo 9-24.

Nilibot ng Kapamilya concert duo ang ilang bahagi ng North America mula Thunder Valley Casino Resort sa Lincoln, California; Copernicus Theater sa Chicago, Illinois; Newark Symphony Hall sa Newark, New Jersey; Pasadena Civic Auditoriom sa Pasadena, California; Pechanga Resort and Casino sa Temecula, California; at sa Benaroya Hall sa Seattle, Washington.

Basahin: Unang leg ng ‘Iconic’ concert nina Sharon at Regine sa Amerika, jampacked! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tinangkilik ng maraming fans ang US Tour ng highly successful concert kaya naman abot-abot ang pasasalamat ng dalawang stars.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Para kay Songbird, isang blessing, dream come true at isang privilege aniya ang naging concert nila ng dati lang niyang iniidolong si Mega

“Thank you Lord for the blessing 🙏🏻 Thank you to everyone who watched our shows!” mababasa sa Instagram update ni Regine.

Samantala, mukhang hindi pa rito nagtatagpos ang concert ng dalawa. Sa hiwalay na update ni Mega, ang Iconic North America tour ay unang leg pa lang kanilang concert.

“Opo may mga susunod pa kaming balik dito sa Amerika at baka sa Canada din!” sey ni Mega.

Basahin: Megastar Sharon Cuneta, abot-abot ang pasasalamat sa pagkakaibigan nila ni Songbird – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya naman ang pangako ng dalawa sa kanilang fans: “See you again!”