Umani ng samu't saring reaksiyon at komento ang pagsusuot ng tradisyunal na kasuotan ng mga Bagobo Tagabawa ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, sa pagbubukas ng unang sesyon ng 19th Congress at unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr kahapon ng Lunes, Hulyo 25, sa Batasang Pambansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/25/vp-sara-nagsuot-ng-katutubong-kasuotan-ng-mga-bagobo-tagabawa-sa-pagbubukas-ng-19th-congress/">https://balita.net.ph/2022/07/25/vp-sara-nagsuot-ng-katutubong-kasuotan-ng-mga-bagobo-tagabawa-sa-pagbubukas-ng-19th-congress/

Ibinida ni Inday Sara ang kaniyang katutubong kasuotan, na aniya ay hiniram niya lamang sa deputy mayor ng naturang cultural group na si Bae Sheirelle Antonio.

"Sa ating pagdalo sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., suot po natin ang tradisyunal na kasuotan ng tribong Bagobo Tagabawa," ayon sa Facebook post ni Duterte, Hulyo 25.

"Ang damit na ito ay pinahiram po sa atin ni Bae Sheirelle Anino, ang deputy mayor para sa Tagabawa tribe sa Davao City."

Ang Bagobo weaves ay kilala bilang "Inabal", tradisyonal na telang yari sa abaca. Ang mga padron o pattern nito ay tinatawag na Kinatkat o Ine na isinusuot ng kababaihang Bagobo Tagabawa. Mga katas ng gulay at iba pang likas na pampakulay umano ang ginagamit dito.

Ang mga Bagobo ang pinakamalaking cultural group sa Southern Mindanao. Ito ay binubuo naman ng tatlong sub-grupo: ang mga Tagabawa, Clata o Guiangan, at Ubo.

Marami naman ang pumuri sa Pangalawang Pangulo, sa comment section ng kaniyang Facebook post, lalo na ang mga tagasuporta niyang celebrities gaya ng mang-aawit na si Robert Seña, komedyanteng si Beverly Salviejo, at newscaster na si Kat De Castro.

Umani rin ito ng papuri mula sa mga netizen.

"Iba talanga ang ating VP. Hindi tayo nagkamali sa kaniya! Ang ganda talaga ng mga damit sa Mindanao, sagana sa kultura."

"Salamat po Vice. Kaming mga katutubo ay sobrang saya po na ipinagmamalaki n'yo kami sa buong mundo."

"Nakakaproud! A true leader of Mindanao!"

"This is such a beautiful gesture of minority representation. Great job!"

"VP Inday Sara wearing a dress of Bagobo Tribe projected a message that all tribes in the Philippines are being represented and it encourages that our tribal brothers and sisters are part of nation building and not considered as minorities and will only be on the sidelines."

Samantala, trending naman ang dalawang basher na nagkomentong tila ginawa na raw "entertainment" ang public service at tila nag-cosplay daw si VP Sara.

"Ginawa nang entertainment ang public service".

"May Cosplayer pala dito".

Screengrab mula sa FB

Agad namang bumanat ang mga tagasuporta ni VP Sara upang ipagtanggol ito at ipaliwanag sa dalawang bashers na hindi ito cosplay.

Samantala, may mga kumukuwestyon din kay VP Sara sa pagsusuot niya ng tradisyonal na kasuotan dahil taliwas daw ito sa naging pahayag ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga lumad, sa isang press conference matapos ang SONA niya noong 2017.

Nagbanta si dating Pangulong Duterte na bobombahin ang mga paaralan ng mga Lumad dahil tinuturuan umano silang maging rebelde sa pamahalaan.

"Umalis kayo diyan. Sabihin ko diyan sa mga Lumad ngayon, umalis kayo diyan. Bobombahan ko 'yan. Isali ko 'yang mga istruktura ninyo," aniya.

"I will use the Armed Forces, the Philippine Air Force. Talagang bobombahan ko 'yung mga… lahat ng ano ninyo. Because you are operating illegally and you are teaching the children to rebel against government."

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang kampo ni VP Sara tungkol dito.