Pinuri ni "Pinoy Big Brother" host Bianca Gonzalez ang naging unang "State of the Nation Address" ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na naganap nitong Lunes, Hulyo 25, 2022, sa Batasang Pambansa.

"That was a good SONA for PBBM. Here's hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan," saad ni Bianca sa kaniyang tweet, Hulyo 25.

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1551497942707478528

Bagama't pinuri ang talumpati, naniniwala pa rin si Bianca na accountable pa rin ang pamilya Marcos sa mga isyung kinahaharap nila simula noong dekada 70 hanggang kasalukuyan.

"I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan."

Nagkomento naman dito ang sikat na propesor at historyador na si Xiao Chua.

"I stan with @iamsuperbianca. Mabuhay ang sentrismong may paninindigan."

Tumugon naman dito si Bianca, "Maraming salamat Prof. Xiao. Maraming, maraming salamat din for all your work to fight historical distortion."

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1551540203302531072

Samantala, marami naman ang nagtanong at nag-usisa kay Bianca kung nagpalit na ba siya ng panig dahil sa kaniyang tweets. Isang certified Kakampink si Bianca.