May paglilinaw ang Pinay television host na si Bianca Gonzalez-Intal hinggil sa pag-aakala ng ilang netizens na naging "pro-Marcos" na ito matapos purihin nito ang kauna-unahang State of Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand "Bongbong" Marcos.
"Hindi ako nag "change sides" at hindi naiba ang paninindigan ko dahil sa isang speech," ani Bianca sa isang quoted tweet ng isang netizen na nagsabi na kinakailangan nitong maging klaro dahil maaaring maguluhan ang ilan sa nauna nitong tweet.
Sa naunang tweet ni Bianca, sinabi nitong naging mahusay ang unang SONA ni PBBM at umaasa siya na magagawa ng pangulo ang mga pangako nito sa taumbayan.
BASAHIN: Bianca Gonzalez, pinuri ang SONA ni PBBM
Bagama’t pinuri ang talumpati, naniniwala pa rin si Bianca na accountable pa rin ang pamilya Marcos sa mga isyung kinahaharap nila simula noong dekada 70 hanggang kasalukuyan.
Aniya, “I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan.”
Samantala, ang sentimento ni Bianca ay nakatanggap ng papuri mula sa ikat na propesor at historyador na si Xiao Chua.
BASAHIN: Xiao Chua, pinuri si Bianca Gonzalez: ‘ Mabuhay ang sentrismong may paninindigan’
"I stan with @iamsuperbianca Mabuhay ang sentrismong may paninindigan," ani Chua kasabay ng paghiling para sa ikabubuti ng Pilipinas sa kamay ng bagong administrasyon.
Gayundin, iginiit ng historyador na patuloy silang magmamatyag sa katiwalian.