Lubos na kinokondena ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang insidente ng pamamaril sa loob ng campus ng Ateneo De Manila University (ADMU) nitong Linggo ng hapon, Hulyo 24, 2022, na ikinasawi ng dating Basilan mayor na si Rose Furigay at ng kaniyang long-time aide na si Victor Capistrano, at isa pang guwardiya ng pamantasan.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) director Police Brigadier General Remus Medina ang suspek na si Chao-Tiao Yumol, isang doktor at taga-Lamitan, City Basilan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/dating-lamitan-mayor-sinadya-nga-bang-patayin-dahil-sa-ilegal-na-droga/">https://balita.net.ph/2022/07/24/dating-lamitan-mayor-sinadya-nga-bang-patayin-dahil-sa-ilegal-na-droga/

Ang opisyal na pahayag ni VP Sara kaugnay sa insidente ay ipinaraan sa kaniyang spokesperson na si Atty. Reynold Munsayac, at makikita naman sa opisyal na Facebook page ng Pangalawang Pangulo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Narito ang buong pahayag:

"Vice President Sara Z. Duterte strongly condemns the shooting incident inside Ateneo de Manila University (ADMU) campus Sunday afternoon."

"Such an act of violence should have no place in our society, especially in a place of learning — which is supposed to be considered a safe space for everyone, for the students mainly."

"The Vice President sends her prayers and deepest condolences to the victims' families."

"The Philippine National Police is also strongly urged to address gun violence in the country — and consistent operations against illegal firearms could be one of the effective measures to do this."

"Thank you."

Nauna nang nagbigay ng kaniyang opisyal na pahayag hinggil sa insidente si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/pbbm-sa-shooting-incident-sa-admu-we-commit-our-law-enforcement-agencies-to-investigate-these-killings/">https://balita.net.ph/2022/07/24/pbbm-sa-shooting-incident-sa-admu-we-commit-our-law-enforcement-agencies-to-investigate-these-killings/