Ispluk ni Senador Robin Padilla na binili lamang niya sa isang mall ang kaniyang suot na barong, nang dumating siya sa Senado nitong Lunes, Hulyo 25, para sa pagbubukas ng unang regular na sesyon ng 19th Congress.

Matatandaan na nanguna sa senatorial race noong eleksyon 2022 si Padilla. Kabilang sa kaniyang mga iminungkahing batas ay ang pederalismo, legalisasyon ng marijuana para sa medikal na paggamit, divorce, atbp. 

Ngayong araw ginanap ang unang regular session ng 19th Congress sa Batasang Pambansa sa Quezon City ilang oras bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos. 

Itinanghal bilang bagong senate president si Senador Juan Miguel Zubiri. Siya ay ninominate nina Senador Joel Villanueva, Loren Legarda, Jinggoy Estrada, Grace Poe, Ronald dela Rosa at JV Ejercito. 

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, ngayong hapon nakatakda ang unang SONA ni PBBM. Dito niya ilalatag ang kaniyang magiging plano sa Pilipinas sa susunod na 12 buwan.