Ibinida ng senador na si JV Ejercito ang kaniyang sapatos na likha sa "Shoe Capital of the Philippines"---sa Marikina City, na aniya ay susuutin niya sa kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ngayong Lunes, Hulyo 25, 2022.

"My shoes for today’s Opening Session of the Senate and PBBM’s First State of the Nation Address," ayon sa Facebook post ng senador ngayong umaga ng Lunes, Hulyo 25.

"Gibi shoes, syempre gawang Marikina! GIBI for JV!"

Sa comment section ay nagpasalamat naman ang mga netizen sa pagpa-patronize ng senador sa likhang Pinoy, lalo na matitibay na sapatos mula sa Marikina City.

"Nice to see that you are supporting Pinoy product Sen. JV!"

"Senator, garantisadong matibay po 'yan! Thank you for supporting our local products!"

"Salamat po sa pagsuporta ng gawang Marikina Sir Senator JV Ejercito. Sana po eh mabigyan ulit (ng pagkakataon) na mas mapakita ng Marikina ang gawang Marikeño. Para umangat ulit ang pamumuhay ng (mga) nagsasapatos sa Marikina. Para tangkilikin ang sariling atin."