Naglabas ng pahayag si Senador Risa Hontiveros tungkol sa nangyaring pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University kahapon, Hulyo 24.

Nakisimpatya ang senadora sa pamilya ng mga nasawi.

"We would like to offer our deepest condolences to the families of the victims of the shooting at the Ateneo yesterday," aniya nitong Lunes, Hulyo 25.

Kinokondena ng senador ang karahasang nangyari, "We strongly condemn this incredibly brazen act of violence, which turned a happy graduation into a sorrowful and fearful memory.  A school campus, which should be a zone of peace and a place of warmth, should never have to deal with these kinds of cruel attacks."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Nothing less than justice should be served. This is for the sake of the bereaved, for our communities. There is no place for this shameless culture of impunity that has been poisoning our country these past years," dagdag pa niya.

Tiwala rin siya umano sa pamunuan ng ADMU na magbibigay ito ng psychosocial support para sa mga nangangailangan. 

"I also trust that the Ateneo will provide the needed psychosocial support for the well-being and mental health of anyone in need," ayon sa senadora.

Nasawi sa pamamaril ang dating Lamitan, Basilan mayor na si Rose Furigay maging ang kaniyang long-time aide na si Victor Capistrano, at ang isang security guard ng unibersidad.

"I wish Hanna Furigay a speedy recovery from her injuries, and I condole with, thank, and ask the public to support the family of Jeneven Bandiala, the security guard who remained faithful to his duty until the end. As an Atenean, I hope for the healing of the whole Ateneo community and all those who are hurting from this.May all the slain rest in peace," dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nahuli na ang suspek na siDr. Chao-Tiao Yumol at kasalukuyan siyang hawak ng awtoridad.

Gayunman, tila sinadya umano ng suspek na patayin ang dating mayor dahil sa umano’y ilegal na droga.

“Matagal na po akong humihingi ng tulong sa gobyerno para imbestigahan yung droga sa amin, sa Basilan. Kasi grabe po talaga ang kondisyon sa amin mga 13 years old nag-aadik. Itong mag-asawang Furigay sila ang drug lord sa Basilan. Kakampi nila yung mga drug [lord] sa amin. Tatlong beses akong pina-ambushng pamilyang ‘to. Pumunta kayo sa social media ko makikita niyo ilang beses akong humingi ng tulong kasi pinapa-ambush nila ako,” sabi ni Yumol sa kaniyang ambush interview kasunod ng kaniyang pagkakahuli.

Basahin ang buong ulat:https://balita.net.ph/2022/07/24/suspek-sa-pagpatay-sa-dating-lamitan-mayor-3-beses-akong-pina-ambush-ng-pamilyang-ito/