Ibinahagi ng actress-vlogger na si Rica Peralejo ang ilan sa malulungkot na balitang pinagdaanan niya sa kalagitnaan pa lamang ng 2022.

"Pasensya na kayo medyo sad yung news ko today," saad ni Rica sa kaniyang latest vlog. Minabuti ng vlogger na ibahagi ang malungkot na balita sa kaniyang subscribers dahil alam niyang mayroong iba sa kanila na makaka-relate sa kaniyang karanasan.

Para kay Rica, grabe ang 2022 sa kaniya dahil bukod sa pagkawala ng kaniyang pangatlong baby sana, ay pumanaw din ang kaniyang ate noong Abril.

Pangatlo, dinamdam din ni Rica ang pagkatalo sa halalan ni Vice Presidential candidate Atty. Leni Robredo. Matatandaang isang Kakampink si Rica na lumahok sa ilang mga sortie ng Leni-Kiko tandem upang ikampanya sila.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"This is also when Ma'am Leni lost the election, so that's another kind of grief," saad ni Rica.

Noong natalo raw si Robredo, nanghingi raw siya ng milagro para sa kaniyang namayapang ate, na sana ay humaba pa ang buhay nito mula sa peligro. Sa kasawiang-palad ay hindi ito natupad.

"I was asking for another miracle when Ma'am Leni was running for president na "Lord sana manalo siya. Ganyan. And it didn't happen."

"Sabi ko, 'Ang sakit naman ng taon na ito. May dalawa akong (hiniling na) miracles na hindi nangyari."

At umikot na nga ang vlog sa pagsasalaysay niya sa nangyari sa kaniyang pangatlo sanang baby.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/25/i-was-positive-pangatlong-pagbubuntis-sana-ni-rica-peralejo-nagmintis/">https://balita.net.ph/2022/07/25/i-was-positive-pangatlong-pagbubuntis-sana-ni-rica-peralejo-nagmintis/