Nahalal si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang bagong House Speaker ilang oras bago ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Batasan Pambansa nitong Lunes, Hulyo 25.
Si Romualdez ay pinsan ni Marcos.
Nakakuha si Romualdez ng 280 boto ng mga kasamahan sa pagbubukas ng sesyon ng 19th Congress, ayon na rin sa Twitter account ng kamara.
Ang naturang kongresista ay pangulo ng Lakas-CMD na mayroong 64 miyembrong mambabatas.
Bukod dito, sumusuporta rin sa kanya angPDP-Laban, National Unity Party, Nacionalista Party, Nationalist People’s Coalition, at Party-List Coalition.
Kabilang din si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa sumusupoprta sa kanya sa kabila ng ulat na nais din nitong maupo bilang House Speaker.
Nagsilbing Speaker si Arroyo mula 2018 hanggang 2019 na panahon ng dating presidente na si Rodrigo Duterte.
Dating nagsilbing main campaign manager ni Vice President Sara Duterte-Carpio si Romualdez.
Bert de Guzman