Naibulsa ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang bronze medal sa pagsabak nito sa 2022 World Athletics Championships sa Eugene, Oregon nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).

Ito ay nang matalon ni Obiena ang 5.94 meters at matabunan ang una niyang rekord na 5.93 meters na nagawa nito sa Innsbruck, Austria noong Setyembre 2021.

Si Obiena ang unang Pinoy na nanalo ng medalya sa world athletics championships.

Nahablot naman ni Swedish superstar Armand Duplantis ang gold medal matapos malundag nito ang 6.21 meters habang ang Amerikanong si Chris Nilsen ay nakakuha lamang ng silver medal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha lamang ni Obiena ang tansong medalya nang mabigong malundag ang anim na metro sa tatlong pagtatangka nito.

Ito ang unang gintong medalya ni Duplantis sa world championship na nanguna rin sa 2020 Tokyo Olympics kung saan nasa 11 puwesto lang si Obiena.