Hindi nagkiyemeng pag-usapan ni Megastar Sharon Cuneta ang resulta ng nakaraang halalan sa kanilang ‘Iconic’ tour ni Songbird Regine Velasquez sa Amerika.

Sa ikalawang leg ng North America tour ng Iconic sa Copernicus Theater sa Chicago noong Hulyo 15, naisingit ni Megastar ang kaniyang mensahe para sa bagong halal na Pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“There is a new Philippine President. We have to pray for him and wish him only the best because we have to be united as a country and whoever the Filipino people have chosen, we have to respect, honor and pray for,” sabi ni Mega sa kanilang manunuod at ipinuntong ang pagkapanalo ni Marcos Jr. ay oportunidad para patunayang mali ang pananaw ng marami laban sa kaniya.

“Because he has a rare chance of redeeming the name and we pray he does because it will be good for every Filipino. So let’s unite and let’s forget politics. Naka-move on na ‘yung mga kandidato, ‘yung iba hindi pa,” dagdag ng asawa ni Senador Kiko Pangilinan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hirit naman ni Regine, isang lumang balita na ang resulta ng halalan noong Mayo.

“And also, if we wish him na hindi siya maging successful de tayo rin ang kawawa so let’s just pray for him. Let’s support him,” saad naman ni Regine.

“Right. Let us support and pray for him. Wish him all the best. All the best President Marcos,” segunda ni Sharon.

Parehong Kakampink ang concert duo na aktibong nakiisa sa kampanya ng tandem ng noo’y Vice President Leni Robredo at Senador Pangilinan.

Ang UniTeam tandem nina Marcos Jr. at noo’y Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang nanalo sa halalan via landslide win.