Nakisimpatya ang TV host at Ateneo de Manila University alumna na si Bianca Gonzalez sa pamilya ng mga biktima ng pamamaril sa loob ng campus noong Linggo, Hulyo 24.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Bianca ang kaniyang saloobin.

"Nakakabagabag at nakakalungkot ang nangyari sa dapat sana'y araw ng selebrasyon," aniya.

"Deepest sympathies to the loved ones of the victims. Hoping justice will be served," dagdag pa ng aktres.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1551143153540820993

Naganap ang pamamaril sa Ateneo Gate 3 dakong 2:55 ng hapon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nasawi ang dating Lamitan, Basilan mayor na si Rose Furigay maging ang kaniyang long-time aide na si Victor Capistrano, at ang isang security guard ng unibersidad.

Kaugnay nito, nahuli na ang suspek na si Dr. Chao-Tiao Yumol at kasalukuyan siyang hawak ng awtoridad. 

Gayunman, tila sinadya umano ng suspek na patayin ang dating mayor dahil sa umano'y ilegal na droga.

“Matagal na po akong humihingi ng tulong sa gobyerno para imbestigahan yung droga sa amin, sa Basilan. Kasi grabe po talaga ang kondisyon sa amin mga 13 years old nag-aadik. Itong mag-asawang Furigay sila ang drug lord sa Basilan. Kakampi nila yung mga drug [lord] sa amin. Tatlong beses akong pina-ambush ng pamilyang ‘to. Pumunta kayo sa social media ko makikita niyo ilang beses akong humingi ng tulong kasi pinapa-ambush nila ako,” sabi ni Yumol sa kaniyang ambush interview kasunod ng kaniyang pagkakahuli. 

Basahin ang buong ulat:https://balita.net.ph/2022/07/24/suspek-sa-pagpatay-sa-dating-lamitan-mayor-3-beses-akong-pina-ambush-ng-pamilyang-ito/