Hinimok ng "VinCentiments" na bukod sa pelikulang "Maid in Malacañang" ay panoorin at suportahan din ng mga manonood ang pelikulang "Biyak" na idinerehe ng batikan at premyadong direktor na si Joel Lamangan, na kamakailan lamang ay nagbulalas ng pagkadismaya sa pelikulang idinerehe ni Darryl Yap, na nakapokus sa mga pangyayari sa Palasyo sa kasagsagan ng EDSA People Power Revolution.

Ang pelikulang "Biyak" ay nauna nang umere sa Vivamax noong Hulyo 1, ang online platform ng Viva kung saan mapapanood ang mga nagawa nilang pelikula, lalo na sa panahon ng pandemya. Si Darryl Yap ay nagtatrabaho sa ilalim din ng Viva.

"Parehas n'yo pong panoorin, yung 'Katarantaduhan' namin, MAID IN MALACAÑANG sa AUGUST 3 po in Cinemas."

"Ito pong 'Kwento ng Taumbayan' ni Direk Joel Lamangan, BIYAK, Streaming na po sa VIVAMAX."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Parehas po produced ng Viva Films, yung sa amin po baka kinuha sa left pocket kasi baka nandun ang pera ng taumbayan, yung sa kanya po baka sa right, kasi siya lang yata ang tama? Charot," saad sa caption.

Sinabi ni Lamangan na panonoorin niya ang pelikula ni Yap at gagawa siya ng pelikulang kokontra naman dito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/21/joel-lamangan-may-patutsada-sa-maid-in-malacanang-gumawa-sila-ng-pelikulang-katarntduhan-anong-drama-yun/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/21/joel-lamangan-may-patutsada-sa-maid-in-malacanang-gumawa-sila-ng-pelikulang-katarntduhan-anong-drama-yun/

Sagot naman ni Yap, iginagalang niya si Lamangan dahil sa mga natamo nito sa industriya, subalit hindi na raw dapat pang matakot ni Lamangan para sa isang kagaya niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/21/vincentiments-all-support-sa-gagawing-pelikula-ni-joel-lamangan-laban-sa-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/21/vincentiments-all-support-sa-gagawing-pelikula-ni-joel-lamangan-laban-sa-maid-in-malacanang/