Dahil sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila University nitong Linggo, Hulyo 24, nauungkatngayon ang isyu sa pagitan ng namatay na si dating Lamitan, Basilan Mayor Rose Furigay at ng gunman na si Dr. Chao-Tiao Yumol noong 2020 dahil sa ilegal na droga.

Nasawi sa insidente si Furigay at ang kaniyang long-time aide na si Victor Capistrano na dadalo sa graduation ng anak na si Hanna Rose, na sugatan naman dahil sa pamamaril.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) director Police Brigadier General Remus Medinaang suspek na si Chao-Tiao Yumol, isang doktor at taga-Lamitan, City Basilan.

Sa Facebook post ni Yumol noong Nobyemre4, 2020, ibinahagi niya na laging pinagbabantaan umano ang buhay niya mula nang ibulgar niya na talamak umano ang ilegal na droga sa Lamitan.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

"Nakulong na ako, nabaril, at ngayon ang pinakabagong banta sa buhay ko, walang pagsisiko gagawin ulit ang lahat ng ginawa ko para sa bayan ko kung kinakailangan," aniya.

"Magmula ng ibinulgar ko ang talamak na sindikato ng droga at malawak na sindikato ng nakawan sa pondo ng gobyerno sa bayan ng Lamitan, hindi na ako nawalan ng banta sa buhay," saad pa ni Yumol.

Sinita rin niya noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil nangako umano ito na tutulungan nito ang lahat ng magsisiwalatng isyu ng korapsyon.

"Pangulong Duterte kailan mo aaksyunan ang pagnanakaw sa bayan namin sa Lamita at iligalna droga? Nangako ka na tutulungan mo ang lahat ng magsisiwalatng isyu ng korapsyon, nasaan po kayo? Konting-konti na lang kami lumalaban," aniya.

"Hawak ko ebidensya na mismong mga tao mo sa gobyerno ang protector ng iligalna droga! Kailan mo ako haharapin at ipapakita sayo ang mga ebidensyangito? Babaunin ko po ba sa hukay ito?" dagdag pa niya.

Ikinuwento rin ng suspek na noong Nobyembre 3, 2020, bigla na lamang may humampas sa kaniyang mukha nang makababa siyasa kaniyang sasakyan at pinagbantaan pa umano siya.

"November 3 ng hating gabi sa tapat ng bahay namin sa Quezon City pagbaba ko ng sasakyan, bigla na lang may lumapit na lalake na nakaitim at hinampas ako ng matigas na bagay sa mukha, pagkabagsak ko ang sabi "LAST WARNING MO NA YAN GALING SA MAG-ASAWANG FURIGAY"," ani Yumol.

Kalakip sa naturang Facebook post ang mga larawan niya na may bangas sa mukha, larawan ng isang umano'y CT-Scan, at tila isang dokumento mula sa Anonas Police Station na may petsa na Nobyembre 4, 2020.

Habang isinusulat ito, deactivated na ang Facebook account ng suspek.

Sa pagsasaliksik, iniulat ng Manila Times noong Disyembre 14, 2020 na nakaligtas si Yumol sa pamamaril sa Zamboanga habang nakasakay sa kaniyang sasakyan sakay ang tatlong pasahero.

Ayon sa ulat, nakasakay sa motor ang gunmen at pinaputukan angsasakyan ni Yumol ngunit nakaligtas ito dahil sa bulletproof curtain na nakasabit sa gilid niya.

Samantala sa ambush interview ni Yumol, kasunod ng kaniyang pagkakahuli, sinabi niya na matagal na raw siyang humihingi ng tulong sa gobyerno dahil laganap ang ilegal na droga sa Basilan. Tatlong beses na rin umano siyang inambush ng pamilyang Furigay.

"Matagal na po akong humihingi ng tulong sa gobyerno para imbestigahan yung droga sa amin, sa Basilan. Kasi grabe po talaga ang kondisyon sa amin mga 13 years old nag-aadik. Itong mag-asawang Furigay sila ang drug lord sa Basilan. Kakampi nila yung mga drug [lord] sa amin. Tatlong beses akong pina-ambushng pamilyang 'to. Pumunta kayo sa social media ko makikita niyo ilang beses akong humingi ng tulong kasi pinapa-ambush nila ako," aniya.

Kasalukuyang hawak ng awtoridad si Yumol.