Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Hulyo 24, na handa na ang Pilipinas sakaling pumasok sa bansa ang monkeypox na naiulat na tumama sa iba't ibang bansa noong Mayo 2022.

"The Department of Health and its partners have been preparing for the monkeypox virus ever since an uptick in cases was reported in other countries in May 2022," ayon sa pahayag ng ahensya.

Ang pahayag ng ahensya ay kasunod na rin ng pagdeklara ng World Health Organization (WHO) sa monkeypox bilang public health emergency of international concern, ang pinakamataas na alarma sa emerging infectious diseases.

Dahil dito, nagpalabas ng pansamantalang rekomendasyon ang WHO upang gamiting gabay ng kanilang hakbang laban sa sakit.

Matatandaanglumaganap ang monkeypox sa buong mundo nitong Mayo na nag-udyok sa DOH na pulunginangPhilippine Inter-agency Committee on Zoonosis (PhilCZ) na binubuo ngDepartment of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at ng kani-kanilang ahensya.

"DOH emphasizes across all its guidelines and advisories that any individual can get monkeypox," ayon sa DOH.

"Hanggang sa ngayon, wala pa rin pong nakitaan sa Pilipinas na pasok sadepenisyonng isang suspect monkeypox case. Ang itsura ay karaniwang naipapaliwanag ng ibang mga sakit na kahawig ng monkeypox, ngunit hindi nito kapareho," pagdidiin naman ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

“The DOH will keep the Filipino public updated with factual information,” pagpapaliwanag pa ni Vergeire.

Ayon sa WHO, naipapasa ang monkeypox virus kapag ang isang tao ay nagkaroon ng contact sa virus mula sa hayop, kapwa tao, o maging sa kontaminadong bagay.

Kabilang sa sintomas ng monkeypox ay lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng katawan at likod, namamagang kulane, panginginig, at pagkapagod.

Sa loob ng isa hanggang tatlong araw (o mahaba pa) matapos na lagnatin, nagkakaroon ng mga rashes ang pasyente. Karaniwang nagsisimula ang rashes sa mukha at kakalat ito sa ibat-ibang bahagi ng katawan, ayon pa sa WHO.