Sa comeback teaser ng sikat na segment sa It's Showtime nitong Sabado, kapansin-pansin ang hindi pagkakatampok sa kauna-unahang Miss Q&A grand winner na si Juliana Parizcova Segovia.

Kasunod ng matagumpay na finale ng Showtime Sexy Babe, magbabalik naman ang kilalang Miss Q&A segment matapos ang halos tatlong taon.

Tatawagin itong Miss Q&A Kween of the Multibeks para sa edisyon nito ngayong 2022.

Sa labing-anim na segundong teaser ng Showtime sa Facebook, ilan sa mga nakilalang kandidata ng nagbabalik na segment ang tampok kabilang sina Chad Kinis, ang ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Brenda Mage, at maging si Miss Q&A 2019 grand winner na si Mitch Montecarlo Suansane.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kaya naman hindi maiwasang mapansin ng maraming netizens ang tila pagkaligwak sa nasabing teaser ng kauna-unahang grand winner noong 2018 na si Juliana.

Bakit nga ba? Ilan sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga saloobin.

“Juliana’s exclusion is not about her political color. I believe that a true queen is someone who holds a respect for others as highly as her crown. And ‘yun wala si Juliana,” saad ng isang netizen.

“The very first winner is not worth emulating for, not inspiring at all, walang ginawa kung hindi makipag away, so toxic, full of hatred and negativities, she's not a good example to every one. Kaway kaway naman diyan Juliana!😂” segunda ng isa pang follower ng noontime show.

Wala pang reaksyon si Juliana ukol sa usapin. Ilang netizens din ang patuloy na nagta-tag sa kaniya sa naturang Facebook teaser ng Showtime.

Samantala, nagpahayag naman ng pagka-excite ang maraming Showtimers sa pagbabalik ng segment na anila’y tiyak na lalong magpapaaliw sa programa.

Ang Miss Q&A ay isang kompetisyon na bukas para sa lahat ng bakla, at transwoman kung saan ilang pinakamababaw, nakakaaliw hanggang sa pinakaseryosong tanong ang haharapin ng mga kandidata para makoronahan.

Taong 2018 nang magsimula ang segment.