Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may naganap na insidente ng pamamaril sa Ateneo de Manila University sa Quezon City nitong Linggo ng hapon, Hulyo 24.

Ayon sa tweet ng MMDA, naganap ang pamamaril sa Ateneo Gate 3 dakong 2:55 ng hapon. 

Dagdag pa nito, nasa lugar na ng insidente ang mga pulis.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/MMDA/status/1551105592554831872

Samantala, naglabas ng pahayag si Supreme Court Spokesperson Brian Keith Hosaka na ligtas si Chief Justice Alexander G. Gesmundo matapos ang ulat tungkol sa umano'y pamamaril.

“Chief Justice Alexander G. Gesmundo was supposed to be the guest speaker in the ADMU Law School Graduation ceremony this afternoon. He was still in transit when the shooting happened and was advised to turn back. The Chief Justice is safe,” ani Hosaka.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang balita.net.ph