May patutsada ang dating aktres, modelo at VJ na si Giselle Tongi sa isang pelikulang malapit nang mapanood sa mga sinehan, na ayon sa mga netizen, ay ang "Maid in Malacañang" na nakapokus sa pamilya Marcos, 72 oras bago maganap ang EDSA People Power Revolution noong 1986.

"I don’t know how to feel about this new film coming out. How does one distinguish propaganda vs art?" ayon sa tweet ni G Tongi noong Hulyo 20.

Hangad daw ni G na magkaroon ng media literacy skills ang mga manonood na Pilipino kapag pinanood ito.

"I just hope it doesn’t glorify the evils of an administration that caused many Filipinos to suffer. I challenge you to up your media literacy skills & distinguish between the 2."

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

https://twitter.com/gtongi/status/1549537024809398273

Niretweet din ng dating aktres ang tweet naman ng kilalang historyador na si Xiao Chua. Nag-react kasi si Chua sa isa sa mga eksena sa MIM na may mga dalang sulo o torch ang taumbayan, na ipinagpalagay na mga taong nakiiisa sa EDSA People Power I.

"Naghahanap ba sila ng aswang? Wala namang mga sulo ang mga tao noon sa lusuban, wala sila sa bukid."

"Hindi puwedeng nakawin ng TAUMBAYAN ang kapangyarihan na kanila naman talaga."

"Ang nagpatagal sa puwesto gamit ang lahat ng paraan ang tunay na nagnakaw," ani Chua.

https://twitter.com/Xiao_Chua/status/1543819047904559104

Ang latest tweet naman ni G ay tungkol sa pangambang nanganganib ang demokrasya sa bansa.

"Democracy in the PH is in peril. Martial law records have been wiped from govt websites. @mariaressa (Maria Ressa) is facing jail for holding the line. 4 human rights defenders have been abducted by state security without due process or any public record. #facts."

https://twitter.com/gtongi/status/1550762818525224960

Matatandaang sinita ni G Tongi ang aktres na si Ella Cruz tungkol sa pahayag nitong "History is like tsismis".

Dito ay nabanggit niyang kasama siyang nagmartsa sa panahong iyon, 8 taong gulang pa lamang siya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/07/g-tongi-pinagsabihan-na-rin-si-ella-cruz-wag-nak-it-feels-like-erasure-di-tama/">https://balita.net.ph/2022/07/07/g-tongi-pinagsabihan-na-rin-si-ella-cruz-wag-nak-it-feels-like-erasure-di-tama/

Bagay na kinuwestyon naman ng mga netizen, batay sa screenshot mula sa isang artikulong naisulat sa isang pahayagan, na 15 anyos siya nang iuwi siya sa Pilipinas ng kaniyang ina.

Pinasinungalingan naman ito ni G at nanindigan sa kaniyang naunang pahayag.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/g-tongi-pumalag-tinawag-na-tnga-ang-bashers-kaugnay-ng-tweet-tungkol-sa-edsa-people-power-i/">https://balita.net.ph/2022/07/10/g-tongi-pumalag-tinawag-na-tnga-ang-bashers-kaugnay-ng-tweet-tungkol-sa-edsa-people-power-i/