Trending sa Twitter ang hashtag na "BoycottDarna" o panawagang huwag panoorin at suportahan ang "Mars Ravelo's: Darna The TV Series dahil puro Kakampink daw ang mga artistang kabilang sa cast members nito, lalo na raw ang lead star nitong si Jane De Leon na nagpahayag umano ng suporta kay dating Vice President Atty. Leni Robredo, sey ng mga netizen na PBBM supporters.

Screengrab mula sa Twitter

Bukod kay Jane, ang iba pang cast members nito na nagpahayag ng suporta sa Leni-Kiko tandem ay sina Iza Calzado, Janella Salvador, Dawn Chang, at iba pa. Matatandaang sa kasagsagan ng Women's Month ay nag-post si Dawn ng pagsuporta rito habang nakasuot ng pink outfit, kasama ang ilang mga co-stars sa naturang serye.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/02/iza-dawn-at-janella-may-mensahe-para-sa-intl-womens-month-letwomenlead/">https://balita.net.ph/2022/03/02/iza-dawn-at-janella-may-mensahe-para-sa-intl-womens-month-letwomenlead/

At hindi lamang si Jane at Iza na parehong Darna ang inuungkat ng mga netizen, pati na rin daw si Angel Locsin ay isang Kakampink, na anila ay mahilig sa "cancel culture".

Panawagan naman ng mga tagasuporta ni Jane De Leon, huwag naman daw gawing unfair ito para sa kaniya, dahil nasabihan na siyang walang kadating-dating na Darna, ganito pa ang magiging panawagan ng ilang PBBM supporters sa show?

Anyway, tiyak na tiyak na ang paglipad ng Darna sa ere, sa darating na Agosto, matapos opisyal na ihayag noong Biyernes, Hulyo 22, ng mismong bida at isa sa mga direktor nitong si Coco Martin, na magtatapos na ang longest-running teleserye na "FPJ's Ang Probinsyano".

"Malungkot man na tayo ay maghihiwalay pero walang hanggang pagpapasalamat ang aming nararamdaman. Nagbago man ang mundo, nariyan pa rin kayo. Kahit man po matapos ang teleseryeng ito, hinding-hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo. Kaya kapit lang sa huling tatlong linggo. Ito po ang "FPJ's Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos," saad ni Coco.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/23/fpjs-ang-probinsyano-tatlong-linggo-na-lang-people-power-revolution-nagbabadya-sa-finale-ng-serye/">https://balita.net.ph/2022/07/23/fpjs-ang-probinsyano-tatlong-linggo-na-lang-people-power-revolution-nagbabadya-sa-finale-ng-serye/

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN, na nahahaluhan ng politika ang naturang most-anticipated action series ng network.